Lunes, Pebrero 10, 2014

paninirahan sa city of smile (bacolod city)

namulat ako sa mundong ito na naninirahan sa syodad ng bacolod city, dati kaunti lamang ang mga istablishimento sa lugar na ito, pero sa pagdaan ng mga taon, paunti-unti na ring nadame at naunlad yung city, nagkaroon na ng malalaki at magandang pasyalan, meron na dn mga malls, 

CATHEDRAL NG BACOLOD
isa din sa mga dinadayo ang simbahang ito, dahil sa likas na ganda at mga sinaunang disenyo ng simbahan, hindi naman kalakihan ang simbahan pero sapat na para pagsilbihan ang libo-libong tao na nasimba para makinig sa aral at salita ng Dyos.

BACOLOD CITY PLAZA
pag ika'y pagod na sa kakaikot sa buong syudad, magandang pumunta dito at magpalipas ng pagod, sa mga upuan na nakapwesto sa ilalim ng mga puno ikaw ay makaklanghap ng sariwang hangin habang nagpapahinga, ito ay nasa centro lamang ng downtown area, kung saan nakaharap ang simbahan ng cathedral.

CITY LAGOON
 isang pasyalan pampamilya, barkada, even lovers na-eenjoy ang lugar na ito, isang sakay lamang ito ng jeep mula downtown area byaheng(libertad - mandalagan). meron itong fish pond na kung saan pweding bumili ng fish food at ipakain sa mga isda, meron din itong playground para sa mga bata, malinis ang paligid, pwede din dito mag picnic.

BACOLOD CHICKEN INASAL
at syempre pwede bang walang kainan... dito matitikman ang sikat na bacolod inasal, ang ibang timpla at lasa nito ang binabalikbalikan ng mga nakapunta at nakakain na dito, mura na masarap pa.

MASSKARA FESTIVAL
ang pyestahan na pinakahihintay ng lahat, kung saan makakita ka ng ibat - ibang makukulay at mga nakangiting masskara na suot-suot ng mga taong nasayaw sa kahabaan ng highway ng bacolod (street dancing) at nagpeperform ng kanilang magaganda at nakakaaliw na sayaw sa plaza ng bacolod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento