unang punta ko dito ay nung regional girl scout camping namin mga 3rd year or 4th year high school ako, nilibot namin lahat ng magagandang tanawin ng Cebu. Pangalawang punta ko naman ay nung school fieldtrip namin, at mas lalo ko na appreciate ung ganda ng lugar na tinatawag na "QUEEN CITY OF THE SOUTH" madaming lugar na magaganda na pwedeng pasyalan at libre pa, walang entrance fee na tinatawag. ang mga lugar na napuntahan ko sa Cebu ay ang mga sumusunod:
CEBU METROPOLITAN CATHEDRAL - ARCHDIOCESE OF CEBU
isa sa mga historical na simbahan para sa mga katoliko, mga 100 years or mahigit pa ang simbahang ito, maganda talaga tingnan sa labas pa lamang, nung nakapasok na ako ay lalo akong napahanga sa kagandahan ng loob, simula sa mga human size na mga rebolto hanggang sa altar na punong - puno ng iba't - ibang rebolto ng mga santo, sa altar din mismo ng simbahan nakalagay ang pinaniniwalang nasaway na Sto. Nino, at pag ikaw naman ay lalabas na, hindi pwede na hindi ka sumabay sa mga deboto na nasayaw habang nalabas, para daw un isang respeto na nagpapaalam na ika'y aalis na ng simbahan.
MAGELLAN'S CROSS
"This cross of tindulo wood encases the original cross planted by Ferdinand Magellan on this very site - April 21, 1521". isa din ito sa mga dinadayo ng tao na napunta ng Cebu, ito ay matatagpuan sa centro ng cebu kung saan malapit ung kanilang city hall at cathedral.
LAPU - LAPU SHRINE
matatagpuan dito ang itak na ginamit ni lapu-lapu nung sila'y nagharap ni Ferdinand Magellan, hanggang ngaun un ay nakatayo pa din kung saan itinusok ni lapu-lapu. Ang buong lugar ay maganda, maaliwalas ang paligid, lugar kung saan pweding mag picnic ang pamilya, kabarkada, malinis ang buong lugar, walang nakalat na mga basura.
TAOIST TEMPLE
bumyahe kami mula downtown papuntang breverly hills kung saan matatagpuan ito, pagpasok mo sa village makikita mo din dito ang mga bahay ng ilang sikat na mga artista, sa dulo ng village nakatayo ang temple pagpasok pa lamang ay mahahanga ka sa ganda ng temple, ma-eexperience mo yung kulturang Chinese, pwede ka ding magdasal at tumirik ng ensenso sa kanilang dasalan, meron ding isang parang pond kung saan pwede kang maghagis ng barya sabay ung wish mo.
OSMEñA MEMORABILIA
ito yung bahay kung saan namuhay at lumaki si Osmeña, dito siya nagsusulat at nagpipinta bilang kanyang nakahiligan, makikita din dito ang mga damit na gamit-gamit nya nung siya'y nabubuhay pa, andito din ang kanyang kauna-unahang sasakyan.
GUITAR
ang Cebu ay kilala sa paggawa ng gitara, makukulay at magagandang tunog ang mga gitarang mga cebuano mismo ang gumawa simula sa katawan ng gitara hanggang sa mga string.






Walang komento:
Mag-post ng isang Komento